Gobernador ng Aurora, pinatawan ng 9 na buwang suspensyon ng Ombudsman
Sinuspinde ng siyam na buwan ng Office of the Ombudsman si Aurora governor Gerardo Noveras dahil sa pagpapagamit ng kaniyang dumptruck sa konstruksyon ng isang Barangay development project.
Walang tatanggaping sweldo si Noveras habang suspendido.
Si Noveras ay kinasuhan ng Conduct prejudicial to the best interest of the service.
Nag-ugat ang kaso matapos i-award ng Aurora government sa Remnant Builders ang konstruksyon ng Baranggay Nipoo sa Dinalungan na 232,441.50 piso.
Sa kontruksyson ng proyekto, ipinagamit nito ang dumptrucks gayong hindi ito kasama sa listahan ng mga isinumiteng equipment ng kumpanya.
Labag raw sa batas ang pagpapagamit ng equipment dahil may posibilidad na tumanggap si Noveras ng kompensasyon mula sa kumpanya.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===