Gobyerno, binatikos ni Senador Sherwin Gatchalian dahil sa laban-bawi sa pagpapataw ng Excise Tax

Binatikos ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga Economic Managers ng Palasyo sa desisyon, na bawiin ang kanilang rekomendasyon na suspendihin pansamantala  ang pagpapataw ng Excise Tax sa susunod na taon sa ilalim ng Train Law.

Dulot ito ng patuloy na pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Pero ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, hindi magandang nangako ang gobyerno na sususpendihin ang Excise tax pero biglang babawiin.

Lalo lang aniyang malalagay sa alanganin ang kredibilidad ng gobyerno.

Depensa naman ni Senador Panfilo Lacson, may basehan naman nang Economic team ng  Palasyo dahil kailangang makolekta ang dagdag na buwis para sa mga proyekto ng pamahalaan.

Kung kakapusin kasi aniya ng pondo mapipilitan na namang mangutang ang pamahalaan na may tubo na babawiin din sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong buwis.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *