Gobyerno dapat palakasin pa ang booster vaccination campaign kapag itinuloy ang pagpapaluwag sa face mask policy
Sakaling matuloy na gawing optional na lang ang pagsusuot ng face mask sa open areas, kailangang mas paigtingin pa ng gobyerno ang booster vaccination campaign.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, na isang infectious disease expert, dapat mas tutukan ang booster vaccination lalo na sa mga kabilang sa tinatawag na vulnerable population gaya ng mga Senior citizen, may comorbidity at mga bata.
Giit ni Solante, hindi siya pabor sa pag-aalis ng face mask kahit sa open areas dahil puwede itong maging dahilan para mas maging complacent ang publiko at magbigay ng maling signal sa isinusulong na pagpapataas ng booster coverage.
Payo niya, dapat tuloy pa rin ang monitoring ng mga kaso maging ang pagsusuot ng face mask sa loob o labas man.
Madelyn Villar – Moratillo