Gobyerno, handa sa posibleng paglobo ng kaso ng Covid-19 ngayong Holiday season
Mayroong contengency measures ang pamahalaan sa pangunguna ng Department of Health o DOH sa posibleng paglobo ng kaso ng COVID 19 sa holiday season.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kalkulado ng Inter Agency Task Force o IATF ang sitwasyon batay sa mga scientific data kaugnay ng pagdami ng kaso ng COVID 19 sa bansa.
Ayon kay Roque maging ang critical care at bed capacity ng mga hospital ay tantiyado ng IATF para tugunan ang pangangailangan sakaling sumipa pataas ang kaso ng COVID 19 sa holiday season hanggang sa pagsalubong sa bagong taon.
Inihayag ni Roque basta sundin lamang ng publiko ang standard health protocol na na mask, hugas, iwas ay makokontrol ang paglaganap ng COVID 19 sa mga matataong lugar tulad ng palengke, groceries at shopping malls.
Magugunitang naglabas ng babala ang University of the Philipines OCTA Research Team na posibleng lumobo ang kaso ng COVID 19 sa bansa sa holiday season dahil sa pamimili ng mga tao sa mga malls, bazaar at tiangge.
Inulit ni Roque ang panawagan sa publiko na sa Holiday season ay iwasan muna ang pagdaraos ng mga indoor activities tulad family reunion at mga party dahil nakaamba pa rin ang panganib na dulot ng Pandemya ng COVID 19.
Vic Somintac