Gobyerno, hindi maaaring magbigay ng libreng pabahay sa mga miyembro ng Kadamay
Nilinaw ni Senador JV Ejercito na hindi maaring bigyan ng libreng pabahay ng gobyerno ang mga miyembro ng grupong Kadamay.
Sa harap ito ng pahayag ng grupo na may karapatan sila sa libreng pabahay ng gobyerno dahil nagbabayad umano sila ng buwis.
Pero ayon kay Senador JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on
Housing and Resettlement, kailangang sumailalim sa proseso ang sinumang
benipisyaryo at obligado silang magbayad ng monthly amortization.
Tinukoy ni ejercito ang Article 13, Section 9 ng Saligang Batas na
obligasyon ng gobyerno na magbigay ng mga mura at disenteng pabahay sa
mga mahihirap.
Unfair aniya na magbigay ng libreng pabahay dahil kahit ang ibang
mahihirap ay nagbabayad rin ng dalawa hanggang tatlong daan piso kada
buwan para lamang magkaroon ng permanenteng bahay.
Ulat ni Meanne Corvera