Gobyerno hindi maaring itaas ang minimum access volume sa importation ng baboy hanggat walang approval ng kongreso
Nagbabala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na labag sa batas kapag ipinilit ng Department of Agriculture ang pag aangkat ng karneng baboy dahil sa kakulangan ng suplay sa bansa dulot ng african swine fever.
Sinabi ni Drilon na kasalukuyan kasing naka recess ang kongreso at hindi pa naaprubahan ang request ng pangulo na itaas ang minimum access volume sa pork imports
Statement Senator Drilon
“To implement it without waiting for Congress to resume session and deliberate on the proposal is illegal, not to mention it is a total disrespect to a co-equal branch,”.“We provided a procedural framework, through Agricultural Tariffication Act, under which the fixing of MAV can be exercised by the President. The executive must follow such procedures faithfully,
Batay aniya sa section 6 ng agricultural tarrification act o republic act 8178 maaring i revise o i modify ng kongreso ang M-A-V sakaling may shortages o abnormal na ptice increase sa anumang agricultural products sa loob ng labinlimang araw pagkatanggap ng request mula sa tanggapan ng pangulo.
Gayunman natanggap aniya ng kongreso ang request ng pangulo habang nakabakasyon ang kongreso.
Naniniwala naman si Drilon na sa halip na aprubahan ang pagtataas ng mav, mas uunahing matalakay ng senado ang resolusyon ng committee of the whole na humihiling na ipawalang bisa ng pangulo ang executive order 128.
Aprubado na sa committee of the whole ang resolusyon at sa pagbabalik pa ng sesyon sa may 17 ito matatalakay sa plenaryo.
Nanindigan naman ang mga senador na hindi kailangang mag import para solusyunan ang problema sa asf sa halip ay tulungan ang mga hog raiser na apektado ng pagkalat ng virus.
Meanne Corvera