Gobyerno hindi mauubusan ng pondo para tugunan ang patuloy na laban sa COVID- 19 – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na mayroong mapaghuhugutan ng pondo para patuloy na tugunan ang laban sa pandemya ng COVID 19 sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque,mayroong tatlong source of funding na maaaring pagkunan ng pondong gagamitin para mabigyan ng tulong ang mga mamamayan na apektado ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ partikular sa National Capital Region o NCR.
Ayon kay Roque ang tatlong source of funding para sa laban sa COVID 19 ay mula sa dibidendo sa mga Government Owned and Controlled Corporations o GOCC’S, savings sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasa ilalim ng Executive Department at supplemental budget mula sa kongreso.
Inihayag ni Roque hindi lamang ang pagbibigay ng financial assistance ang pinagkakagastusan ng pamahalaan sa laban sa COVID 19 kundi kasama dito ang maintenance ng mga government hospitals at isolation facilities ganun din ang suweldo ng mga medical frontliners.
Niliwanag ni Roque binabalanse ng gobyerno ang hakbang sa laban sa COVID 19 dahil kailangang panatilihing buhay ang ekonomiya para mayroong mapagkukunan ng pondo ang pamahalaan.
Vic Somintac