Gobyerno , hindi pa bumibili ng COVID-19 vaccines – DOH

Nilinaw ng Department of Health na hindi pa sila bumibili ang gobyerno ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ang binili lang ng gobyerno ay reformulated Pfizer vaccines na ginagamit sa pediatric vaccination.

Bukod sa bakuna para sa mga bata, may paparating din aniyang mga bakuna pero ito ay mga donasyon para sa Pilipinas.

Tiniyak ng opisyal na hindi naman basta bumibili ang gobyerno ng bakuna ng hindi pinag-aaralan ang imbentaryo at maging supply and demand.

Una rito, kinumpirma ng DOH na maraming bakuna kontra COVID-19 ang malapit ng mapaso.

May ilan naman rito ang na- extend ang shelf life at pwede pang magamit sa loob ng ilang buwan.

Kasunod narin ito ng pagbaba ng bilang ng mga nais magpabakuna dito sa bansa.

Inaayos naman na ng DOH ang ilang mga bakuna na ido-donate sa Myanmar at Papua New Guinea para makatulong na mapataas ang kanilang vaccination coverage.

Madz Moratillo

Please follow and like us: