Gobyerno, hinimok na magsagawa ng sariling exploration studies sa Benham rise

Inirekomenda ni Senador Grace Poe sa gobyerno na magsagawa ng hiwalay na exploration studies sa Bnham rise at iba pang inaangking isla kasama na ang West Philippine Sea.
Naghain ng Senate Resolution 611 si Senadora Poe para obligahin ang University of the Philippines Marine Science Institute at Department of Science and Technology’s Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development na magsagawa ng research.

Ito’y para maprotektahan ang benham rise at iba pang isla kung talagang mayaman ito sa minerals at oil deposits.

Nangangamba si Poe na matulad ang Benham rise saWest Philippine sea kung saan halos matatapos na ang militarization ng China.

Kasabay nito, hinimok ng Senador ang gobyerno na paigtingin ang karapatan sa west philippine sea o mga inaangking isla.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *