Gobyerno hinimok ng Oposisyon na huwag nang ituloy ang second batch ng TRAIN Law
Umaapila ang opoisyon sa Gobyerno na tigilan na ang planong pagsusulong ng ikalawang batch ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Sinabi ni Senador Bam Aquino na matindi na ang naging epekto nang inaprubahang bagong buwis ng Duterte administration.
Katunayan maituturing aniyang killer combo ang pinapasan ngayon ng publiko dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina, mga pangunahing bilihin pero walang disenteng trabaho.
Tinukoy ni Aquino ang resulta ng Pulse Asia at SWS Survey kung saan 86 percent ng mga sinurvey ang nagrereklamo na sa mataas na presyo ng bilihin at umakyat rin ang bilang ng mga pinoy na walang trabaho o katumbas na ng 10.9 milyong katao.
Sa May 9, nakatakda nang dinggin ng Senado ang resolusyon na humihiling na repasuhin ang train law dahil sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin.
Senador Bam:
“Mahalagang mailabas natin ang bigat na ibinibigay ng TRAIN upang ito’y marepaso at nang maibsan ang pasanin ng ating mga kababayan”.
Ulat ni Meanne Corvera