Gobyerno, humihingi ng 72 milyong pisong danyos sa Xiamen Air

Umaabot na sa 72 million pesos ang hinihinging danyos ng gobyerno sa pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Air sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Manila International Airport Authority o MIAA General Manager Ed Monreal na batay lamang ito sa kanilang initial computations sa mga napinsala ng Xiamen air incident.

Maaari pa umanoitong madagdagan ng tinatayang 42 million pesos depende sa mga airline companies.

May assurance na aniya ang Chinese airlines na magbabayad pagdating sa bansa sa September 12 hanggang 13.

Sa ngayon hiinihintay pa ng Senate committee on Public Services ang resulta ng pagsisiyasat ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa tunay na dahilan ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen air at resulta ng imbestigasyon sa black box ng eroplano.

Pero sisimulan na ng Senado ang pagbalangkas ng committee report at mga rekomendasyon batay sa kanilang imbestigasyon.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *