Gobyerno mag ooperate sa ilalim ng re enacted budget hanggang kalagitnaan ng Pebrero

Wala nang magagawa ang gobyerno kundi mag operate sa susunod na taon gamit ang re-enacted budget hanggang ikalawang linggo ng Pebrero.

Inaprubahan na ng mga senador sa ipinatawag na all senators caucus ang magiging schedule ng pagtalakay sa panukalang budget para sa 2019.

Dahil kahapon lang natanggap ng senado ang kopya ng budget, sinabi ni senate majority leader juan miguale zubiri na kakapusin ng ppanahon para mabusisi ang detalye ng mga proyektong pagkakagastusan ng gobyerno.

Sa inaprubahang schedule ng mga senador, sa Martes, December 4 pa ito matatalakay sa plenaryo.

Pero dahil mag a adjourn para sa holiday break sa December 12, inaasahang matatapos ang deliberasyon hanggang January 16.

Sa January 18 hanggang 23 inaasahang maisasalang sa bicameral conference committee para sa magkakaibang probisyon ng kamara at senado.

Kung walang magiging problema sa february 6 ay maari na itong lagdaan ng pangulo.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *