Gobyerno, maglalaan ng ₱1B na pondo para sa OFWs
Maglalaan ang gobyerno ng isang bilyong pisong assistance fund para sa mga Overseas Filipino Worker.
Sa kanyang ikalawang SONA, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dadagdagan ng isang bilyong piso ang OFW assistance fund mula sa kasalukuyang apatnaraang milyong piso.
Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas ng 4.5 percent ang remittances ng mga OFW sa unang limang buwan ng taong 2017 o katumbas ng 11.346 dollars, na mas mabilis kumpara sa 4 percent growth outlook ng Central Bank.
Please follow and like us: