Gobyerno mangangailangan ng P60 billion para sa libreng college education

Mangangailangan ang  gobyerno ng ₱60 billion na annual fund para sa libreng college education program.

Ayon kay Sen. Bam Aquino nangangamba ang ibang Senador kung saan kukunin ang fund para sa libre college education.

Sinabi ni Aquino na kalahati ng P60 billion ay para sa State Universities at Colleges o (SUC’s), Local Universities at Colleges (LUC’s), at state-run technical-vocational (tech-voc) institutions at ang kalahati ay gagamitin para sa student funds at grant programs.

Dagdag pa ni Aquino papasanin  sang mga studyante ang mga additional expenses na hindi masasakop ng fund ng gobyerno.

Una rito, inaprubahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report para sa pagbibigay ng libre College Education sa SUC’s, LUC’s at state tech-voc schools.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *