Gobyerno may nakahandang tulong para sa mga nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Egay.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inaalam na nila ang mga pamilya na nasira o tuluyang nawasak ang mga bahay dahil sa nagdaang bagyo.
Kabilang aniya sa kanilang tinitignan ay mga partially damaged ang bahay at totally damaged.
Mas mahirap kasi aniya ito dahil talagang tatayuan sila ng bahay.
Para sa mga nasira ang bahay, may emergency support na gagawin aniya ang Department of Human Settlements and Urban Development at ang National Housing Authority para sila ay matulungan.
Magbibigay aniya ang pamahalaan ng construction materials sa mga biktima para matulungan sila na muling maitayo ang kanilang tahanan.
Mayroon pa ring mga pamilya na nananatili sa mga evacuation center sa Northern Luzon.
Pagtiyak ni PBBM sa mga biktima ng bagyong Egay, minamadali na ng gobyerno ang rehabilitation efforts.
Madelyn Moratillo