Gobyerno nasa landas na upang makumpleto ang konstruksiyon ng Metro Manila Subway sa 2029: DOTr
Nasa landas ang gobyerno upang makumpleto ang konstruksyion ng Metro Manila Subway pagdating ng 2029
Ang pahayag ay ginawa ng Department of Transportation (DOTr) matapos banggitin ang pinaikling negotiation process para sa property owners, na maaaring maapektuhan ng unang underground rail project ng bansa.
Sinabi ni Transportation Undersecretary for Rails Jeremy Regino, “If there will be no agreement, we will have to file expropriation proceedings but without prejudice to continue the negotiations.”
Binigyang-diin ni Regino na ito ay “last resort” pa rin sa mga pinagtatalunang isyu sa right-of-way, at idinagdag na ang expropriation ng mga ari-arian ay hindi nangangailangan ng ‘forced occupation’ kundi kabayaran lamang.
Dagdag pa ng opisyal, “Once the government is granted a writ of possession, it still ‘does not bar the continuation and conclusion’ of a successful negotiation.”
Aniya, “We are doing our best to convince property owners, all things considered, that their concerns are already factored in.”
Ang MMSP ay isang 33-kilometer railway system na mag-uugnay sa Valenzuela City at Pasay City, at kabibilangan ng isang spur line sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City.
Sinabi ng pamahalaan na inaasahang mababawasan ang oras ng paglalakbay mula Valenzuela patungong NAIA, sa 35 minuto kapag natapos na ang proyekto.