Gobyerno ng Pilipinas lumagda sa bagong bilateral labor agreements sa Germany
Asahan ang mas maraming job opportunities para sa mga manggagawang pinoy na nais magtrabaho sa Germany.
Ayon kay outgoing Labor Secretary Silvestre Bello III, lumagda ang gobyerno ng Pilipinas sa dalawang bagong bilateral labor agreements sa Germany.
Sa pamamagitan nito, ang German Federal Employment Agency ang tutulong sa recruitment, deployment, at employment ng ng Filipino professionals at skilled workers sa Germany.
Sinabi pa ni Bello, ilan sa mga trabahong ito ay Electrical Mechanics and Fitters, Electronics Servicers, Cooks, Hotel Receptionists, Waiters, at Plumbers at Pipe Fitters.
Bukod dyan, lumagda rin ang goboyerno ng Pilipinas sa Memorandum of Understanding para sa Deployment ng Filipino Healthcare Professionals sa Germany.
Sa pamamagitan din ng mga nilagdaang kasunduan na ito ay masisiguro ang proteksyon ng mga manggagawang pinoy sa ibayong dagat.
Madelyn Villar – Moratillo