Gobyerno pinadudulog na sa UN at Asean sa isyu ng West Philippine Sea
Pinaghahanda ni Senador Francis Pangilinan ang Gobyerno sa pagdulog sa United Nations at Association of Southeast Asian Nations.
Ito’y kapag lumala ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa pagde-deploy ng China ng mga barko nito doon.
Ayon kay Pangilinan, kailangang gawin ng gobyerno ang lahat ng diplomatikong paraan dahil sa paglabag ng China sa mga karapatan ng Pilipinas.
Dapat rin aniyang igiit ng Gobyerno ang Sovereign Rights sa Exclusive Economic Zone ng bansa batay sa ruling ng Arbitral Tribunal.
Statement Senador Kiko Pangilinan:
“We should exhaust all diplomatic means to assert our sovereign rights over our exclusive exonomic zone. If the tension further escalates we can include bringing the matter to the Asean and even the UN“.
Meanne Corvera