Gobyerno walang malalabag sa batas sakaling ipursige ang joint exploration sa West Philippine Sea
Walang nakikitang anomang paglabag sa batas si dating Solicitor General Estelito Mendoza sakaling ipursige ng gobyerno ang joint exploration sa West Philippine Sea.
Ang joint exploration ang isa sa nakikitang solusyon ng mga mambabatas para makahanap ng alternatibong enerhiya, dahil sa mataas na presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Pero ayon kay Mendoza, ang joint exploration ay paghahanap pa lang kung may suplay ng langis o wala sa pinagtatalunang isla.
Kung makahahanap naman aniya ng suplay, ay papasok na ang bansa sa isang joint exploitation pero ang constitutional issue na ito ay hindi pa nareresolba ng Korte Suprema.
Meanne Corvera