Goiter awareness week, gugunitain sa ika-apat na linggo ng Enero
“Goiter, sugpuin, Isip patalinuhin, Iodized salt ang gamitin”. ito ang tema ng pagunita sa Goiter awareness week.
Ang pagdiriwang ay batay sa Presidential Proclamation 1188 na nilagdaan noong 2006 na idinedeklara na tuwing ika-apat na linggo ng Enero ay Goiter awareness week.
Layunin nito na lalong itaas ang public awareness sa paghadlang at pag kontol ng Goiter at iba pang Iodine Deficiency Disorder o IDD.
Ayon sa mga eksperto, ang goiter ay maaaring magamot medically o kaya naman ay surgically.
Karaniwan daw na dinadapuan ng naturang karamdaman ay mga kababaihan na ang edad ay 20 pataas.
Payo ng mga eksperto, upang makaiwas na dapuan ng Thyroid diseases, Goiter at Hypothyroidism, ugaliing kumain ng mga pagkaing sagana sa iodine.
Nakukuha ang nabanggit na mineral sa dagat.
Advisable din na gumamit ng iodized salt dahil isa itong mabisang paraan upang makaiwas sa naturang karamdaman.
Ulat ni Belle Surara