Golden rice advocates, humihiling na makapagtanim nito…samantala, benepisyong pangkalusugan ng Golden Rice, binigyang -diin sa ginanap na Public Consultation

Dinaluhan ng mga opisyal na lokal ng pamahalaan, mga magsasaka, mamimimili, grupo ng mga kababaihan, miyembro ng akademya, health workers at iba pang  nasa komunidad ang ginanap na Public consultation tungkol sa Golden rice.

Ang nabanggit na public consultation ay pinangunahan ng Philippine Rice Research Institute o Philrice sa Science of Muñoz, Nueva Ecija.

Nilalayon ng Public consultation na alamin ang saloobin ng publiko kaugnay ng naturang bigas.

Bahagi umano ang Public consultation ng proseso upang makakuha ng permiso na makapagtanim ng Golden rice.

Ang golden rice ay isang bagong variety ng bigas.

Sa mga pag aaral, binibigyang diin ng mga researchers mula sa Philrice at International Rice Research Institute  o IRRI na ang Golden rice ay sagana sa Beta carotene.

Ang Beta carotene ay karaniwang natatagpuan sa mga gulay at prutas ng kulay orange.

Isa pang mahalagang layunin ng Philrice at IRRI sa pagtataguyod ng Golden rice ay upang matugunan ang suliranin o kakulagan  sa Vitamin A deficiency.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *