Golden Rice, malaki ang maitutulong upang lunasan ang Vitamin A -deficiency o VAD , ayon sa ekpserto

 

Isinusulong ng Alliance for Science – Philippines, isang organisasyon para sa maka-agham na komunikasyon, ang golden rice upang mapakinabangan ito ng mga Filipino.

Ayon kay Mr. Marlo Asis ng Alliance for Science Philippines, layunin ng  kanilang grupo na magbigay ng impormasyon upang  lalong maunawaan ng  publiko  ang usapin kaugnay sa mga produkto ng makabagong Biotechnology partikular ang Golden rice.

Sinabi  ni  Asis  na ang  Golden rice ay pinaunlad  upang  masolusyunan o kung hindi man ay mabawasan ang insidente ng Vitamin A deficiency o VAD  sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang Vitamin A sa pang-araw -araw na pagkain ng kanin.

Mr. Marlo Asis, Alliance for Science – Philippines:

“Itong  Golden rice, isang uri ng bigas, – kanin,  na nagtataglay ng Beta Carotene, kasi di ba ang karaniwang rice na ating nabibili,  kinakain  natin, ay white rice,  ung butil, nya, pagka kinain yan, wala naman siya talagang masyadong content na Vitamin A—ngayon ang pinagkaiba nitong golden rice, ito ay – mataas ang  content ng  Beta carotene.”

Pahayag pa ni Asis,  ang isang batang may vad ay madaling kapitan ng sakit gaya ng tigdas, impeksyon sa baga, at diarrhea, na siyang mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata sa mga developing countries gaya ng Pilipinas.

Nanatili ang VAD na isa sa seryosong problemang pangkalusugan sa bansa.

Batay sa pag-aaral na isinagawa ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2016, apektado ng VAD ang 19.6% ng mga batang isa hanggang limang taong gulang at 27.9% ng mga batang isang taon pababa.

Dagdag pa ni Asis na bagamat gumagawa ang pamahalaan at pribadong sektor ng mga hakbang gaya ng Vitamin A supplementation,  pagsusulong ng pagpapasuso sa mga sanggol, at pagtuturo ng tamang nutrisyon, hindi sapat ang mga ito para solusyunan ang VAD.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *