Golden Rice may malaking maitutulong upang lunasan ang vitamin a deficiency o V.A.D
Sa usaping golden rice, sinasabi ng mga eksperto na malaki ang matitutulong nito sa suliraning Vitamin A Deficiency o VAD.
Ang kakulangan sa bitamina A o VAD ay nagiging sanhi ng paghina ng resistensya ng katawan upang labanan ang ibat’ibang uri ng impeksyon.
Maaari ring maging sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay mula sa karaniwang sakit, lalo na sa panig ng mga bata.
Bukod dito, nagiging sanhi rin ng panlalabo ng paningin at kung hindi maaagapan ay maaari itong maging dahilan ng pagkabulag.
Ayon sa W.H.O., may 190 milyong preschool na mga bata at 19 na milyong mga buntis sa buong mundo ang nangangailangan ng Vitamin A.
Batay naman sa datos ng Food and Nutrition Research Institute, pataas ng pataas ang bilang ng mga batang dumaranas ng Vitamin A deficiency o VAD.
Ayon naman kay Dr. Roel Suralta, Golden Rice project lead, napakalaki umano ng maitutulong ng golden rice upang masolusyunan ang problema sa Vitamin A Deficiency lalo pa nga at ang mga Pilipino ay rice lovers.
Ulat ni: Anabelle Surara