Golovkin, balik na sa boxing ring
Sa unang pagkakatqon makalipas ang isang taon, magbabalik na sa boxing ring si Gennady Golovkin.
Sa December 29 ay makakaharap ng IBF middleweight champion na si Golovkin ang Japanese WBA super-titlist na si Ryota Murata, sa isang unification bout na gaganapin sa Saitama, sa hilaga ng Tokyo.
Ang 39-anyos na si Golovkin na kilala rin sa tawag na “GGG,” ay huling lumaban noong December 2020 nang talunin niya si Kamil Szeremeta ng Poland sa 7th round, makaraan niya itong ma-knockdown ng 4 na beses.
Pahayag ni Golovkin . . . “I am really excited to be bringing the ‘Big Drama Show’ to Japan, a country where boxing is very popular. Ryota Murata has been an outstanding champion. It is going to be a special night when we fight in the ring to unify our titles.”
Si Murata na isang gold medalist sa 2012 London Olympics, ay balik aksiyon makalipas ang 2 taon.
Tinalo ng 35-anyos na si Murata ang Canadian na si Steven Butler noong December 2019 at naidepensa ang kaniyang WBA regular title.
Ngunit umakyat siya sa super champion nang bakantehin ni Saul “Canelo” Alvarez ang puwesto nang umakyat naman ito sa super-middleweight.
Ayon kay Murata . . . “I feel that my entire amateur and professional boxing career has been a preparation for this fight against Gennady Golovkin. This fight will determine my place in the middleweight division and boxing history.” (AFP)