Goodbye tag-init, tag-ulan na!
Idineklara na ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng tag-ulan ngayong Hunyo 4, 2021.
Ito’y matapos na makapagtala ng malalakas at tuluy-tuloy na mga pag-ulan sa ibat-ibang panig ng bansa sa nakalipas na limang araw habang dumaraan ang Bagyong Dante.
Dahil dito, magiging karaniwan na ang halos araw-araw na mga pag-ulan sa Metro Manila at kanlurang bahagi ng bansa bunga ng Southwest monsoon o hanging habagat.
Mataas rin ang posibilidad ng pagbuhos ng higit sa normal na dami ng tubig ulan ngayong Hunyo hanggang Hulyo.
Subalit asahan rin ang tinatawag na monsoon breaks o pagtigil ng ulan na maaaring tumagal ng ilang araw o ilang linggo.