Google at Meta pagmumultahin ng South Korea dahil sa privacy violations
Sinabi ng regulators na pagmumultahin ng South Korea ang Google at Meta ng higit $71 million, dahil sa pagkuha sa personal na impormasyon ng users nang walang pahintulot para sa tailored ads. Ito ang pinakamataas na data protection fine na ipinataw ng bansa.
Sinabi ng Personal Information Protection Commission, na lumitaw sa imbestigasyon sa dalawang US tech giants, na kinukuha at pinag-aaralan nila ang data ng kanilang users, at minomonitor ang paggamit ng mga ito ng websites at applications.
Ayon sa komisyon, “The data was used to ‘infer the users’ interests or used for customized online advertisements,’ and neither Google nor Meta had clearly informed South Korean users of this practice or obtained their consent in advance.”
Dahil dito, ang Google ay pagmumultahin ng 69.2 billion won ($49.7 million) habang ang Meta ay 30.8 billion won ($22.1 million).
Sinabi pa ng komisyon, “It is the largest fine for the violation of the Personal Information Protection Act.”
Sinabi ng mga regulator na karamihan sa mga user sa South Korea — 82 porsiyento para sa Google at 98 porsiyento para sa Meta — ay hindi sinasadyang pinahintulutan ang dalawang tech giants na mangolekta ng data sa kanilang online use.
Dagdag pa ng komisyon, “It can be said that the possibility and the risk of infringement of the rights of the users are high.”
Noong isang taon, pinagmulta ng South Korea ang Google ng halos $180 million para sa pang-aabuso nito sa pagdomina sa kanilang mobile operating systems at app markets, sa pagsasabing nakahadlang ito sa market competition.
© Agence France-Presse