Gordon, binalaan ang mga BI official na magsabi ng totoo sa isyu ng suhulan
Hindi na magpapatawag ng panibagong hearing ang Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng nangyaring bribery scandal sa mga opisyal ng Bureau of Immigration.
Sa ikalimang imbestigasyon ng Senado, binalaan ni Senador Richard Gordon, chairman ng komite ang mga opisyal ng Immigration na wala na siyang balak magpatawag ng panibagong imbestigasyon para makinig sa mga kasinungalingan.
Ito na ang huling pagkakataon nina dating Immigration Deputy
Commissioners Al Argosino, Michael Robles at Intelligence Chief
Charles Calima Jr.
Sina Robles at Argosino ang tumanggap ng ₱50M na suhol mula sa
online gambling tycoon na si Jack Lam kapalit ng pagpapalaya sa
mahigit one thousand three hundred na illegal chinese workers.
Iginiit ni Gordon na gagawa na sila ng committee report dahil malinawna kung ano ang nangyari.
Bukod kina Argosino at Robles, malinaw na aniyang may partisipasyon sa nangyaring suhulan sina BI Intelligence Chief Charles Calima, Immigration Commissioner Jaime Morente at ang dating Police Officer na si Wally Sombero.
Sa pagsasara ng imbestigasyon, isa sa nakikita nilang solusyon
ay ang pagpapasa ng batas para taasan ang parusa laban sa mga government official na nasasangkot sa bribery.
Ulat ni : Mean Corvera