Gov. Jonvic Remulla humingi na ng tulong sa AFP para tumulong sa pagpapatupad ng ECQ sa Cavite
Nakipag ugnayan na si Gov. Jonvic Remulla sa Armed Forces of the Philippines para humingi ng tulong sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Cavite.
Ayon kay Remulla, ang desisyon nyang ito ay dahil marami parin ang nasusumpungang mga lumalabag sa umiiral na ECQ.
Binigyang-diin ng Gobernador na hindi mapipigilan ang pagkalat ng covid 19 kung may mga hindi susunod sa patakaran.
Nakipag-ugnayan na rin umano ang alkalde kay DILG Sec. Eduardo Año para sa deployment ng Philippine Army at mga reservist sa Cavite.
Sa ngayon ay umabot na sa 125 ang covid cases sa Cavite.
Nangunguna sa listahan ng may pinakamaraming covid cases ay sa Bacoor City na may 34, sinundan ng Dasmariñas City na may 23, at 20 naman sa Imus City.
Nagpauna naman si Remulla na asahan ang pagtaas pa ng Covid cases sa probinsya sa oras na masertipikahan ng Department of Health ang testing center sa Cavite.
Ulat ni Madz Moratillo