Government agencies isasailalim sa performance audit ng mga Kongresista sa gitna ng budget hearing

Magsasagawa ng performance audit ang Kamara sa mga ahensiya ng gobyerno kasabay ng pagdinig sa panukalang budget ng mga ito sa susunod na taon.

Ito ang tiniyak ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Alexei Nograles na mag-uumpisa na ang pagdinig sa 3.7 Trillion pesos na budget bukas.

Ayon kay Nograles, nais nilang matukoy kung nagagamit nang tama ng mga ahensiya ng pamahalaan ang kanilang alokasyon kada taon.

Nagbabala ang Kongresista na daraan sa butas ng karayom ang mga ahensiyang mahina ang performance sa harap na rin ng isinusulong na rightsizing program sa gobyerno.

Binigyang diin ni Nograles na hindi maaaring patuloy na paglaanan ng pondo ang mga tanggapan na mahina magtrabaho.

Gigisahin din aniya ng appropriations Committee ang Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs para makatotohanan ang kanilang pagtaya kung kaya ng dalawang ahensiya ang kumolekta ng sapat para pondohan ang 2018 budget.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *