Government employees na kumukuha ng master’s degree, ipinalilibre na sa matrikula
Nais ni Senador Jinggoy Estrada na malibre na sa pagbabayad ng matrikula ang mga empleado ng gobyerno na kumukuha ng master’s degree sa mga state universities and colleges ( SUCs) sa buong bansa.
Sa Senate bill 2277 o “Government Employees Free MA Tuition in SUCs Act, sinabi ni Estrada na may mahalagang papel ang mga kawani ng gobyerno sa Human Resources ng bansa .
Importante aniya na mabigyan sila ng oportunidad na maitaas ang antas ng kanilang kasanayan at edukasyon sa pamamagitan ng pagpapahusay at professionalism.
May ilang ahensiya na aniya ang nagbibigay ng scholarship grant tulad ng DSWD at Presidential Communications Office sa mga kwalipikadong kawani na sasabak sa masteral degree.
“Marami empleyado sa ibang sangay ng gobyerno ang nagnanais na magpatuloy ng kanilang edukasyon para mapahusay ang kanilang personal na paglago, maisulong ang pag-angat sa kanilang karera at makapaglingkod sa publiko nang mas epektibo”.sinabi ni Senador Jinggoy Estrada
Sa ngayon aniya ang gastusin sa pagkuha ng masteral degree ay aabot na sa 800 hanggang 1,500 bawat unit o 19 hanggang 50 thousand pesos para maka kumpleto ng 24 units program.
Hiwalay pa rito ang mga kaakibat na bayarin sa programa na hindi kakayanin ng mga empleyado lalo na ang mga nasa mababang posisyon o contractual sa gobyerno.
Meanne Corvera