GRAB Philippines, hiniling na ibalik ang 2 pisong kada minutong travel charge
Hiniling ng Transport network company na Grab Philippines sa Land
Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na ibalik ang dalawang pisong kada minuto na travel charge.
Sa harap ito ng pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo na umaabot
na ngayon sa 61 pesos kada litro.
Sa kanilang petition paper sa Grab, iginiit ng kumpanya na masyado
nang nalulugi ang mga drivers sa mataas na presyo ng krudo.
Reklamo rin ng Grab kung bakit pinayagan ang ibang Transport network
companies na magpataw ng per minute charges na tinanggal sa Grab.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: