“Grabe ang pagkalat Ng virus ngayon”- Octa Research Team
Para Kay Professor Ranjit Rye ng Octa Research Team , hindi ang ukol sa quarantine status ang dapat pagtalunan kundi ang dapat na harapin ay ang mga hamon na kinakaharap ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng Kaso ng Covid-19.
Sinabi ni Professor Rye sa panayam ng Eagle in action, ang mga pangunahing dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno sa pakikipagtulungan ng private sector ay madagdagan ang hospital bed capacity para sa COVID patients, magdagdag ng health care workers, at gawing mas istrikto ang implementasyon ng MECQ.
Dagdag pa ni Professor Rye na mabilis ang pagkalat ng virus .
Ito ay dahil sa ibat ibang klase ng mga variant na talaga namang napaka contagious kung saan pami pamilya na ang nagkakasakit.
Importante din anyang magtulungan ang National Government, LGUs at private sector para mapaigting pa ang testing, tracing at isolation.
Julie Fernando