Grandstanding dapat iwasan sa isinasagawang imbestigasyon sa RWM attack

naitas

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Hindi kailangang isapubliko pa ang isinasagawang Congressional hearing sa nangyaring pagsugod at panununog sa Resort World Manila.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan , sinabi ni Bobby Joseph chairman emeritus ng National Association of Independent Travel Agencies , kung tutuusin aniya maaari namang solusyunan ng maayos ang usapin ng hindi na kailangan pang mag mistulang may grand standing sa imbestigasyon.

Lalo lamang aniyang nakakaapekto ng malaki sa ekonomiya ng bansa kung nakikita pa ang mga pagkukulang at mga kapabayaang nangyari sa Resorts World incidents.

Sa halip din na maghanapan ng sisi dapat na matuto sa mga pangyayari upang maiwasan at hindi na maulit.

“I find it very oa ang mga imbestigasyon na ganyan , nasasaktan ang bayan dyan. May mga isyu na dapat ayusin hindi na kailangan ng pabongga pa, kung nagkamali edi ayusin”. – Joseph

Ulat ni: Marinell Ochoa

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *