Greek-flagged oil tanker na nasa Red Sea nasunog
Tatlong sunog ang sumiklab mula sa isang Greek-flagged oil tanker na nasa Red Sea, isang araw makaraang ilikas ng rescuers ang crew nito sa gitna ng pag-atake ng Yemeni Houthi fighters.
Ayon sa Iran-aligned Houthis, na kumokontrol sa pinakamataong rehiyon ng Yemen, inatake nila ang Sounion oil tanker noong Huwebes bilang bahagi ng kanilang 10-buwang kampanya laban sa commercial shipping, upang suportahan ang mga Palestinian sa digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza.
Una nang sinira ng Houthis ang tanker noong Miyerkoles sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-atake na nagdulot ng sunog at pagkawala ng suplay ng kuryente.
Kalaunan, isang European warship ang nagsalba sa 25 crew nito.
Ayon sa isang maritime security source, ang tanker na wala nang crew ay naka-angkla sa pagitan ng Yemen at Eritrea.
Nitong Biyernes, ay sinabi ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) sa isang advisory, na nakatanggap ito ng mga ulat ng tatlong sunog sa nabanggit na tanker.
Kalaunan, nagpost ang Houthis ng isang video sa social media, kung saan makikitang sinisilaban nila ang tanker.
Ayon sa Red Sea naval mission ng EU na Aspides, ang nasirang tanker na may kargang 150,000 metriko tonelada ng crude oil, ay nagbabanta ng isang environmental hazard.
Sinabi ng Djibouti Ports & Free Zones Authority sa kanilang post sa social media, “A potential spill could lead to disastrous consequences for the region’s marine environment.”
Ayon naman sa International Tanker Owners Pollution Federation, “The largest recorded ship-source spill was in 1979, when about 287,000 tonnes of oil escaped from the Atlantic Empress after it collided with another crude carrier in the Caribbean Sea off the coast of Tobago during a storm.”
Ang Sounion ang ikatlong vessel na ino-operate ng Athens-based Delta Tankers, na inatake ng Houthi ngayong buwan.
Sa isang televised speech, ay sinabi ng Houti military spokesman na si Yahya Saree, na isa sa dahilan kung bakit nila inatake ang tanker, ay ang paglabag umano ng Delta Tankers sa kabawalan na pumasok sa entry ports na okupado ng Palestine.
Pahayag naman ng kompanya, “Delta Tankers is doing everything it can to move the vessel (and cargo). For security reasons, we are not in a position to comment further.”