Green energy tripartite agreement nilagdaan ng ERC, MORE Power at LGU

Lumagda sa Green Energy Tripartite Agreement ang Energy Regulatory Commission (ERC), More Electric and Power Corporation, at lokal na pamahalaan ng Iloilo City.

Layon ng kasunduan na maisulong ang paggamit ng renewable energy resources na magbibigay-daan sa pagbaba pa ng presyo ng kuryente.

Sa ilalim ng kasunduan, itatatag ng MORE Power ang isang one-stop shop na nag-aalok ng renewable energy technologies gaya ng Net Metering at Distributed Energy Resources (DER) na pwedeng pagpilian ng mga consumer.

Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Castro, target nilang makatulong na mabawasan ang greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng paggamit na ng renewable energy resources.

Sinabi naman kay ERC Chairperson at CEO Atty. Monalisa Dimalanta, sa ilalim ng kasunduan ang ERC ang magbibigay ng technical at regulatory expertise.

Palalakasin din ng ERC ang information drive para mas lalong tangkilikin ng mga electric consumers ang renewable energy.

Nabatid na ang Iloilo City ang ikalawa lamang sa mga pilot Local Government Unit partner ng ERC para sa Net-Metering at sa kanilang greater renewable energy program.

Sa panig ng LGU, hinikayat naman ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang mga residente, partikular ang mga may maliliit na negosyo na subukan ang renewable energy para mapababa ang energy consumption.

Madelyn Villar Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *