Gross international reserves ng bansa, tumaas sa US$108.89-B noong Disyembre

Umakyat sa US$108.89 billion ang gross international reserves (GIR) ng bansa sa katapusan ng Disyembre 2021.

Ito ay tumaas ng $1.17 billion mula sa $107.72 billion noong Nobyembre ng 2021 base sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang GIR ay mga external assets na puwedeng ipambayad sa external obligations ng bansa gaya ng mga foreign loans at imports at nasa kontrol ng central bank.

Ang halimbawa ng external assets ay US, German, at Japanese government bonds, at ginto na proteksyon laban sa panganib ng foreign exchange.

Sinabi ng BSP na ang latest GIR level ay more than adequate na external liquidity buffer na katumbas ng 10.3 months na halaga ng import of goods at payments of services at primary income.

Ayon sa BSP, ang month-on-month na pagtaas sa GIR level ay sumasalamin sa net foreign currency deposits ng national government sa central bank at upward adjustment sa halaga sa gold holdings nito bunsod ng pagtaas ng presyo ng ginto sa international market.

Moira Encina

Please follow and like us: