Ground breaking ceremony ng bagong LTO Tarlac City Office, isinagawa sa Barangay Binauganan, Tarlac City
Pinangunahan nina Tarlac Governor Susan Yap, City Mayor Cristy Angeles, Vice Mayor Aro Mendoza, Congressman Charlie Cojuangco ng 1st District, Eduardo de Guzman- Regional Director ng Region lll, Francisco Lising, LTO Tarlac City District Officer, at Chit Pineda President ng AllianceTripple Corporation, ang isinagawang ground breaking ceremony ng bagong LTO Tarlac City Office sa Barangay Binauganan, Tarlac City
Ayon kay Mayor Angeles, ang pagtatayuan ng nasabing gusali ay may sukat na 2,000 square meters, na idinonate ng Tarlac City government.
Sa nasabing lugar ay itatayo rin ang Tarlac City Hall Annex Building, Sangguniang Panglungsod District Office, LTO Satellite Office, Security and Exchange Commission (SEC), Tarlac City Schools Division Office, at iba pang Tarlac City Government Centers.
Sa mensahe ng punong lungsod… “This pandemic may have been a scourge to all of us, but it has made us stronger, better with our unity. We can overcome any dificulty, kaya patuloy po tayong magkaisa bawat oras sama sama.”
Pinasalamatan naman ng mga opisyales ng LTO ang city government sa donasyong lupa upang pagtayuan ng kanilang gusali.
Anila, sa bago nilang opisina ay matitiyak nila na lalo pang pagagandahin, at magiging mas maayos ang kanilang serbisyo sa mga Tarlakenyo, dahil sa maluwag na ang kanilang tanggapan.
Ulat ni Heighly Pineda