Ground traffic lights para sa mga Smartphone o cellphone users
Dahil sa dumaraming insidente ng aksidente kaugnay ng paggamit ng smartphone o cellphone habang naglalakad sa kalye o sa train stations , napagdesisyunan ng mga opisyal sa Augsburg, Germany na maglagay ng traffic light na nakadikit sa semento para ito makita ng mga commuters na laging nakatungo at pamalagiang nakatingin at binubuntingting ang kanilang smartphone.
Unang nilagyan ng ground traffic lights ang dalawang pedestrian lane sa lugar na dinaraanan ng Electric street trains at sa dalawang Tram stops para mabigyan ng babala ang mga tao kapag darating na ang train o kapag tatawid.
Naisip ang naturang hakbang makaraang dalawa katao na ang naaksidente lugar dahil sa hindi nila napansin ang pagdating ng bagon dahil ang atensyon ng mga ito ay nasa kanilang mga cellphones.
=============