Groundbreaking ceremony ng Metro Manila subway project, isinagawa

Masisimulan na ang konstruksyon ng kauna-unahang Metro Manila Subway o Underground Railway system sa bansa.

Kanina nagsagawa na ng ground breaking ceremony ang Department of Transportation para sa pagtatayo ng subway project.

Nauna nang na-delay ang groundbreaking ceremony dahil sa conflict sa schedule ng mga opisyal ng Japan.

Ang proyekto ay popondohan sa pamamagitan  51 billion mula sa Official Development Assistance o loan mula sa Japan International Cooperation Agency.

Ang subway ay magsisimula sa Valenzuela Depot kasama na ang pasilidad ng Philippine Railway Institute.

Itatayo ang tatlong istasyon sa Quirino Highway, Mindanao Avenue station, Tandang Sora station at North avenue station na target matapos sa 2022.

Ang full operations ng subway o 15 istasyon hanggang Taguig ay inaasahang matatapos sa 2025.

Bawat tren may walong bagon na kayang magsakay ng 2200 na pasahero o hanggang 370 thousand na mga pasahero kada araw at maaring umabot pa hanggang sa 1.5 milyong katao.

Posibleng ngayong taon ay magsagawa na rin aniya ng bidding para sa nalalabing limang kontrata na bahagi ng subway.

Pagtiyak ng DOTr, kapag nagsimula na ang operasyon ng subway, tatagal na lamang ng 10 hanggang 30 minuto ang biyahe mula sa Quezon City hanggang sa NAIA terminals.

Ito rin ang inaasahang solusyon para bawasan ang mga pribadong sasakyan na bumibyahe sa Edsa na nagdudulot rin ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Nauna nang lumitaw sa mga pag-aaral ng neda na umaabot sa 3.5 bilyong piso kada araw ang nawawala sa ekonomiya dahil sa matinding traffic.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *