Groundbreaking ceremony sa bagong Vitas slaughter house sa Tondo, pinangunahan ni Mayor Isko Moreno
Mas palalakasin ng lungsod ng Maynila ang industriya ng pagkakarne na inaasahang makakatulong para magbigay ng mas maraming oportunidad sa mga Manilenyo.
Kanina pinangunahan nina Manila mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong Vitas Slaughter house compound sa Tondo.
Ayon sa alkalde, nais nilang maiyak na lahat ng karne na ibinebenta sa lungsod ay malinis at ligtas.
Sa ilalim ng plano para sa bagong slaughter house compound, magkakaroon rin ito ng sariling veterinary clinic, maayos na opisina ng veterinary inspection..at maging pabahay para sa mga empleyado.
Dagdag pa ng alkalde, maglalagay rin sila ng maayos na lugar para sa mga nagkalat na hayop sa kalye kagaya ng aso.
Matatandaang labis ang pagkadismaya ni Moreno noon matapos makita ang maruming sitwasyon sa Vitas slaughter house kaya agad nyang ipinag utos ang clearing operations roon.
Bundok ng basura at mga debris ang makikita dati sa compound ng Slaughter house pero matapos nga ang clearing operation ay naubos din ang tambak ng basurang naipon ng ilang taon.
Ulat ni Madz Moratillo