Groundbreaking isinagawa para sa P2.5B NBI Bldg na itatayo sa Maynila
Pinangunahan ng mga opisyal ng Department of Justice(DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang groundbreaking para sa itatayong bagong NBI Main Building sa Maynila.
Ayon kay NBI Director Medardo De Lemos, nagkakahalaga ng P2.5 billion ang building project kung saan ang inisyal na construction cost ay P450 million.
Tinataya aniyang aabot ng tatlong taon ang pagtatayo ng modernong gusali.
Magkakaroon ito ng 12 palapag at may halos 50,000 square meters area.
Kasama sa bagong NBI building ang multi-level parking lot, gymnasium, shooting range, storage rooms, conference rooms at dormitoryo para sa transient agents at personnel.
Sinabi naman ng DPWH na noong 2019 ay idineklara na ng city government na condemned ang gusali ng NBI, kaya kailangan nang gibain at tayuan ng bago.
Moira Encina