Grupo ng mga Law Deans at Professors, nagpahayag ng suporta kay SC Justice Marvic Leonen


Dapat umanong ibasura ang Impeachment Complaint na inihain kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa Kamara.

Ito ang iginiit ng mahigit 200 Law Deans at Professors sa bansa sa kanilang pahayag ng pagsuporta kay Leonen.

Sa kanilang isang pahinang statement, sinabi ng 215 Law Deans at Professors na walang batayan at walang merito ang impeachment case na isinampa laban kay Leonen noong December 7.

Tinawag nilang assault o pag-atake sa independence ng Hudikatura ang reklamo laban kay Leonen.

Ayon pa sa kanila, isa lamang sagabal o “Unnecessary Distraction” ang impeachment case sa mga isyu na mas nangangailangan ng atensyon ng mga lider sa gobyerno.

Kaugnay nito, umapela din ang mga Law Deans at Professors sa Kongreso ng isang patas at mabilis na resolusyon sa impeachment complaint na magpoprotekta at magpipreserba sa Judicial Indepedence.

Moira Encina

Please follow and like us: