Grupo ng mga manggagawa magkakasa ng malaking kilos protesta sa SONA ng Pangulo

Magsasanib-puwersa ang mga militanteng grupo para sa ikakasa nilang malawakang kilos-protesta sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Ito’y bunsod ng kabiguan ng Pangulo na maglabas ng Executive Order na tunay na tatapos sa kontraktuwalisasyon.

Ayon kay Wilson Fortaleza, isa sa convenor ng Nagkaisa Labor coalition, muling mag-uusap ang liderato ng mga malalaking labor movements upang plantsahin ang mga ikakasang pagkilos sa SONA ng Pangulo.

Una nang inakusahan ng mga  militanteng grupo na traydor ang pamahalaan  na makailang ulit pang nakipag-dayalogo sa kanilang hanay sa Malakanyang.

Ang pag-uusap ay humantong pa sa pagsusumite nila ng kani-kanilang panukala o bersyon ng executive order na tuluyang tatapos sa kontrakwalisasyon, subalit sa bandang huli ay wala ring napala ang mga manggagawa.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *