Grupo ng mga paring Katoliko at pastor, naghain ng oposisyon sa aplikasyon ni Justice Samuel Martires sa posisyon ng Ombudsman

Tinutulan ng grupo ng mga paring Katoliko, Evangelical pastors at Theological teachers ang aplikasyon ni Supreme Court Associate Justice Samuel Martires para sa posisyon ng Ombudsman.

Sa kanilang letter-opposition na isinumite sa Judicial and Bar Council, sinabi ng grupo na dapat madiskwalipika si Martires dahil sa kawalan ng probity o katapatan.

Tinukoy ng grupo ang pagtanggi ni Martires na maginhibit sa quo warranto case laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Bukod dito, biased din anya ang naging pagtatanong ni Martires sa Oral Arguments sa Quo Warranto petition.

Ayon pa sa grupo, pinarusahan si Martires ng Supreme Court noong mahistrado pa ito ng Sandiganbayan dahil sa hindi agad na pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Bacarra, Ilocos Norte Mayor Pacifico Velasco.

Binanggit din ng mga oppositors ang pagpayag ni Martires sa plea bargain deal sa pagitan ng Ombudsman  at AFP comptroller Major General Carlos Garcia at ang pagpabor nito sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sa Miyerkules, June 20 nakatakdang sumalang si Martires at ang iba pang aplikante sa Ombudsman post sa public interview ng JBC.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *