Grupo ng mga siklista nagsagawa ng sabayang padyak, kasabay ng World Car Free Day

Nagsagawa ng sabayang pagpapadyak ang iba’t ibang grupo ng mga siklista at transport group.

Ang aktibidad ay tinawag nilang “Sabay sa Bike” ay kasabay ng pagdiriwang ng “World Car Free Day”.

Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ay miyembro ng Firefly Brigade-Philippines, Life Cycles PH, Move As One Coalition at iba pang grupo.

Ayon sa grupo, nag ikot sila sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila gaya ng Pasay, Maynila, Quezon City at iba pang lungsod.

Tumigil rin ang grupo ng mga biker sa Mehan Garden para ipanawagan ang kaligtasan ng mga siklistang katulad nila.

Apela nila sa mga LGU maglagay ng bike lane para sa kapakanan at kaligtasan ng mga nagbibisikleta.

Lalo na anila ngayong panahon ng pandemya na limitado ang mass transportation ay bisikleta ang naging opsyon ng marami nating kababayan.

Ayon sa grupo maganda ang pagbibisikleta dahil bukod sa mabuti ito sa kalusugan at malaking bawas din sa mga sasakyan sa lansangan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: