Grupong kontra sa CPP-NPA nanawagan sa DOJ na kalampagin na ang korte para resolbahin ang mosyon na ideklarang teroristang grupo ang mga rebeldeng komunista
Sumugod sa DOJ ang isang grupo na kontra sa CPP-NPA.
Nanawagan ang No To CTG Coalition sa DOJ na maghain ito ng mosyon sa korte para madaliin ang pagresolba sa petisyon na ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA-NDF.
Giit ng grupo, masyadong madami na ang mha ordinaryong mamamayan ang naperwisyo ng mga karahasan ng CPP-NPA kaya dapat agad na maaksyunan ang petisyon.
Nababahala din ang koalisyon na baka napasok na rin ng CPP-NPA ang DOJ.
Inihain ng DOJ noong Pebrero ng nakaraang taon sa Manila Regional Trial Court ang petisyon na ideklarang terrorist organization ang CPP-NPA-NDF.
Nakasaad sa petisyon ng DOJ na sa kabila ng sinseridad at good faith ng pamahalaang Duterte na makipag-ayos sa mga rebeldeng komunusta ay nagpapatuloy pa rin ang pag-atake ng mga ito laban sa pwersa ng gobyerno.
Ulat ni Moira Encina