GSIS, tiniyak ang patuloy na pagbibigay ng mga benepisyo

Photo: pna.gov.ph

Hindi apektado ang Government Service Insurance System (GSIS), sa ginawang paglipat kamakailan sa Philippine Financial Reporting Standard (PFRS) 4, at may kakayahan pa rin itong bayaran ang mga obligasyong pinansyal nito sa mga miyembro at pensiyonado.

Ang PFRS 4 ay nangangailangan ng pag-uulat ng future social benefit liabilities sa financial statement nito.

Sa kaniyang pahayag ay sinabi ni GSIS president at general manager Rolando Macasaet, na hindi maaantala ang pagbabayad ng benepisyo sa kanilang mga miyembro at pensiyonado, dahil ang bagong accounting standards ay hindi makaaapekto sa kanilang kakayahang magkaloob ng mga benepisyo sa takdang panahon nito.

Sa kanilang audited 2020 financial statements, ang GSIS ay nag-post ng isang matatag na cash position sa 2020 sa halagang P26 billion.

Ayon kay Macasaet . . . “Our cash flow projection for the next five years shows that we can cover all our obligations. PFRS 4 offers an understanding of the longer-term financial sustainability of GSIS that involves projections and economics, which is beyond the scope of financial statements. Ultimately, members and pensioners should be more interested in the pension fund’s existing obligations, projected income, projected cash outflow, funding gap, and what the current administration plans to do to address such issues.”

Ang matatag na cash flow sa pagtatapos ng 2020 ay nagmula sa mga kasanayan na ipinatutupad ng GSIS, na nagbigay-daan dito para magawa nilang i-manage ang lebel ng social benefit liabilities at mapanatili ang isang “healthy actuarial life” para sa mga pondo nito.


Batay sa isang pag-aaral noong 2020, ang GSIS ay may fund life na 32 taon o hanggang 2053.

Please follow and like us: