Guevarra ikinalungkot ang pagbasura ng korte sa drug case vs Kerwin Espinosa
Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Prosecutor General Benedicto Malcontento na iapela ang pagbasura ng korte sa illegal drug case laban sa grupo ni Kerwin Espinosa.
Ayon kay Guevarra, lahat ng legal remedies ay iniutos niyang gawin ng National Prosecution Service kabilang na ang paghahain ng motion for reconsideration.
Aminado si Guevarra na ikinalulungkot niya ang nasabing development sa kaso.
Pero, hindi pa nababasa ng kalihim ang opisyal na kopya ng kautusan ng Makati Regional Trial Court.
Iginiit ng kalihim na hindi pa off the hook o lubusang lusot sa kaso si Espinosa.
Aniya may kinakaharap pa na ibang kaso si Espinosa sa Manila RTC at isa pang drug case sa Albuera, Leyte.
Sinabi pa ni Guevarra na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang drug lord na si Peter Go Lim.
Tiwala ang kalihim na “sooner or later” ay mahahabol at mapananagot sa ilalim ng batas sa kanilang krimen ang mga nasabing akusado.
Moira Encina