Guidelines ng IATF, pinalawig pa sa Meycauayan, Bulacan
Nagsagawa ng physical inspections sa mga establisimyento sa kalakhang lungsod ng Meycauayan, sa Bulacan.
Sa atas ito ni Mayor Linabelle Ruth Villarica, sa hepe ng Business Permits and Licensing Office na si Boy Tamayo.
Layon nitong matiyak na mahigpit na nasusunod ang pagpapatupad sa IATF Guidelines at City Ordinance, na bawal munang lumabas ng kani-kanilang tahanan ang mga tao kung hindi rin lang napaka importante ng sadya sa paglabas.
Sarado rin ang mga pampublikong pamilihan, ibang gasolinahan at iba pang establisimyento.
Kasama ang mga tauhan ng pambansang pulisya sa himpilan ng Meycauayan City Police Station (MCPS) na pinamumunuan ni acting chief of police Lt. Col. Bernanrd Pagaduan, mahigpit nilang pinaalalahanan ang may-ari ng mga negosyo na panatilihin at sundin at isaalang-alang ang mga panuntunan, para sa kapakanan ng lahat at kaligtasan sa pagkahawa sa COVID-19 at mga bagong variant nito.
Maayos naming nasusunod ang mandatory health protocol sa mga sakayan ng pampublikong transportasyon.
Ulat ni Gerald dela Merced