Guidelines sa hand-carried baggages, inilabas ng MRT-3

Photo: www.facebook.com/DOTrPH

Pinapayagan ng MRT-3 ang pagpasok ng mga sumusunod na items at hand-carried baggages, matapos ang proper screening o inspection ng MRT-3 personnel:

1. Packages na hindi hihigit sa 2ft. x 2ft. At nakabukas para sa inspeksiyon

2. Strollers na may sakay na bata (hindi bababa sa 2-taong gulang); at strollers na maayos ang pagkakatupi

3. Folding bikes na maaayos na naka-fold, na ang mga gulong ay hindi hihigit sa 20 inches ang diameter

4. Sariwang karne, isda, at dried fish at sauces na selyado ng maayos

5. Mga alagang hayop (gaya ng aso at pusa) na nasa loob ng carriers na hindi hihigit sa 2 ft. x 2ft., at dapat sunod sa mga kondisyong ito:

~ Isang alagang hayop lamang sa bawat isang pasahero

~ Hindi dapat pakainin ang mga alaga habang nasa biyahe

~ Ang carrier ay hindi dapat ipatong sa lugar na dapat ay pasahero ang nakaupo at dapat naka-secure sa lahat ng oras

~ Dapat linisin ng may-ari ang anumang dumi ng kanilang alaga sakaling magkalat ito habang nasa biyahe

~ Ang may-ari ng alagang hayop ay dapat na magfill-up ng isang Waiver Form kung saan nakasaad na walang pananagutan ang MRT-3 sakaling mawala, mamatay, magkasakit, o masaktan ang hayop habang nasa biyahe.

Please follow and like us: